Home METRO ‘Paper-complete’ infra projects sa Siargao, nadiskubre ng DPWH

‘Paper-complete’ infra projects sa Siargao, nadiskubre ng DPWH

299
0

SURIGAO DEL NORTE, Philippines – Nagbabala si Surigao del Norte Provincial Board Member John Cubillan sa lumalalang problema ng mga “paper-complete” infrastructure projects sa Siargao Island, karamihan ay ipinagkatiwala ng DPWH sa isang kontratista.

Ayon sa audit ng Sangguniang Panlalawigan, may 21 proyekto sa Siargao — kabilang ang mga kalsada, tulay, at water systems — na nagkakahalaga ng P1.52 bilyon, na itinaguyod na tapos at nabayaran, ngunit sa aktwal ay marami ang hindi pa tapos o kakaunti lamang ang nagawa.

Ayon kay Cubillan, malinaw na may pattern ng maling ulat na hindi pwedeng ipaliwanag bilang simpleng pagkakamali lamang. Dahil dito, humihingi ang Sangguniang Panlalawigan ng interbensyon ng DPWH central office, Commission on Audit, at Office of the Ombudsman.

Base sa audit, 14 sa 21 proyekto (P1.01 bilyon) ay na-kontrata sa Boometrix Development Corporation, pag-aari ni Ronald Abejo, pinsan ni dating Rep. Francisco “Bingo” Matugas II. Ang iba ay joint ventures ng Boometrix sa ibang construction firms.

Sa isang post noong Disyembre 3, sinabi ni Matugas na ang kanyang papel ay limitado lamang sa pagkuha ng pondo, at ang pagpili ng kontratista at pagpapatupad ay responsibilidad ng DPWH. Sinabi rin niyang sinusuportahan niya ang mabilis at transparent na imbestigasyon sa mga proyekto. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here