Home ENTERTAINMENT Barbie, nalosyang na raw!

Barbie, nalosyang na raw!

349
0

Manila, Philippines – So, patuloy pa rin pala ang romansa sa pagitan nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

For a long while kasi ay nanahimik ang couple, sparking rumors na hiwalay na sila.

‘Yun nga lang, sa muling pag-surface ni Barbie ay hindi kagandahang feedback from the netizens ang sumalubong sa kanya.

Kung ano daw kasi ang iginanda nito nang bonggang-bongga at the onset of her rumored relationship ay siyang ikinalosyang daw ng hitsura nito.

Unfair as it may seem, biktima ng comparison si Barbie vis à vis Richard’s past girlfriends.

Naroong ikinumpara ang aktres kina Anne Curtis, Georgina Wilson, Jewel Mische and even his estranged wife Sarah Lahbati.

Classic daw kasi ang beauty ng mga ito.

Marami namang dumepensa kay Barbie–baka naninibago lang daw ang mga netizens.

“Intact” pa rin daw ang beauty nito.

Hindi rin nakaligtas sina Richard at Barbie sa “current trend” involving couples–married o magnobyo–na naghihiwalay these days.

Tutok na tutok ang publiko sa kahihinatnan ng kanilang relasyon following the breakups of Ellen Adarna and Derek Ramsay, as well as Rhian Ramos and Sam Versoza.

Malaking challenge ito kina Richard at Barbie to prove the naysayers wrong. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here