Home ENTERTAINMENT Ai Ai, nanood ng wedding videos, nagreak!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ai Ai, nanood ng wedding videos, nagreak!December 6, 2025 17:372540 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Natatawa na lang si Ai Ai de las Alas pagkatapos mag-“binge-watch” ng compilation ng mga wedding videos ng sari-saring pares.Hindi nga naman napigilan ng Comedy Queen na ikumpara ‘yon sa mismong kasal niya.For the record, unang “ikinasal” si Ai Ai sa singer na si Miguel Vera.Taong 2013 nang masundan ito sa isang nagngangalang Jed.At ang ikatlo’y kay Gerald Sibayan noong December 12, 2017.Pero batay sa napanood niyang video, isa lang ang commonality sa mga kasal.Emosyonal kundi man umiiyak ang mga groom pag nakikita na nila sa altar ang mga babaeng pakakasalan nila.Isang eksena na ayon kay Ai Ai ay: “Waley ganoon sa amin!”Hindi man niya pinangalanan ay si Gerald ang tinutukoy niya.Ang komento ni Ai Ai ay sagot sa tanong ng isang netizen na tinawag na “buwisit” ang lalaking pinakasalan niya.Obyus na naka-recover na nga ang komedyante sa sinapit nila ni Gerald dahil itinatawa na lang niya ang naging kasal nila.Kunsabagay, mahigit isang taon na nga naman siyang hiniwalayan nito through chat.Eh, kung puwede nga lang hindi na alalahanin ang nakalipas, ‘no! Ronnie Carrasco III