Home ENTERTAINMENT KimPau, pinakilig ang thanksgiving party!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES KimPau, pinakilig ang thanksgiving party!December 6, 2025 17:503830 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Mukha yatang may something na talaga na namamagitan kina Paulo Avelino at Kim Chiu.Ayaw pa lang nilang umamin.Sa thanksgiving party kasi para sa success ng kanilang serye ay kumanta si Paulo.Ang pinasikat na kanta ng Eraserheads na O Pare Ko, ang kinanta niya.Sa isang bahagi ng kanta ay may pinalitan siya na lyrics.Instead na, ‘in love ako sa isang kolehiyala,’ ang sinabi niya ay, ‘in lovr ako sa mala-Estella.’Ang Estella ay ang pangalan ni Kim sa kanilang serye.Kilig na kilig naman si Chinita Princess nang marinig ‘yun habang kinukunan niya si Paulo.Siyempre pa, mas kilig ang kanilang mga faney, ang KimPau-landia.Idinaan pa raw ni Paulo sa kanta ang pag-amin niya na in love siya kay Kim. Rommel Placente