Home NATIONWIDE 96 pamilya inilikas, 4K pasahero istranded sa Bicol sa bagyong Wilma

96 pamilya inilikas, 4K pasahero istranded sa Bicol sa bagyong Wilma

284
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Office of Civil Defense in Bicol (OCD-5) nitong Sabado, Disyembre 6 na nasa 96 pamilya o 275 indibidwal ang inilikas sa mga evacuation center dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Tropical Depression Wilma at shear line sa rehiyon.

Ayon kay OCD-5 spokesperson Gremil Alexis Naz, karamihan sa mga evacuees ay mula sa Masbate sa 92 pamilya, habang ang nalalabing apat ay mula sa Catanduanes.

Samantala, 4,142 pasahero ang nananatili sa mga pantalan sa rehiyon. Nasa 3,550 pasahero ang istranded sa Sorsogon, 369 sa Masbate, 216 sa Albay at pito sa Camarines Norte.

Nasa kabuuang 1,132 rolling cargoes, dalawang barko at dalawang motorbanca ang hindi makabiyahe dahil sa masamang kondisyon ng dagat.

Nagpaabot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa Bicol sa mga apektadong biyahero.

Sa Pio Duran Port sa Albay, nasa 216 kahon ng ready-to-eat food (RTEF) ang ipinamahagi sa mga pasahero na patungong Masbate.

Nasa 400 RTEF boxes din ang ibinigay sa 2,000 locally stranded individuals sa Matnog Port, habang 28 kahon ang ibinigay sa mga pasaherong naghihintay sa Castilla Port, sa Sorsogon.

Nakapagbigay din ng hot meals sa 400 indibidwal sa Matnog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here