Home NATIONWIDE PNP nagpapatupad ng hakbang laban sa hoarding, profiteering ng mga produkto

PNP nagpapatupad ng hakbang laban sa hoarding, profiteering ng mga produkto

291
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang operasyon upang protektahan ang mga mamimili kasunod ng ulat ng pagtaas ng presyo ng karne at gulay bago ang Pasko.

Ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ipinadala ang mga pulis sa pamilihan, supermarkets, at wet markets upang pigilan ang hoarding, profiteering, at panic-buying.

Nakikipag-ugnayan ang PNP sa Department of Trade and Industry at mga local government units upang masubaybayan ang galaw ng presyo, suportahan ang inspeksyon, at mapigilan ang illegal profiteering.

Sinabi ni Nartatez na isinasagawa ang intelligence-driven operations laban sa mga hoarder at syndicates na nagpapalaki ng presyo, alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. upang masiguro ang proteksyon ng mamimili at tuloy-tuloy na access sa pangunahing pangangailangan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here