Home NATIONWIDE Private auction sa luxury vehicles na ‘di naibenta, kinokonsidera ng BOC

Private auction sa luxury vehicles na ‘di naibenta, kinokonsidera ng BOC

217
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Bureau of Customs (BOC) noong Linggo na kinokonsidera nila ang pagkuha ng private auctioneer, kabilang ang posibleng international bidders, matapos dalawang luxury vehicles ng contractors na sina Pacifico at Sarah Discaya na hindi naibenta sa pangalawang public bidding.

Ayon kay BOC spokesperson Chris Bendijo, bukod sa private auction, puwede rin ang negotiated sale o direct offer, kung saan maaaring magbigay ang mga interesado ng kanilang presyo at susuriin ng BOC bago humiling ng challengers. Isa pang opsyon ay siraing o destruction ng hindi nabentang sasakyan.

Sa pangalawang bidding noong Biyernes, hindi naibenta ang Rolls-Royce Cullinan (2023), na naging viral dahil sinabi ni Sarah na may libreng payong, pati na rin ang Bentley Bentayga (2022). Naibenta naman ang ibang sasakyan tulad ng Toyota Tundra (2022) at Toyota Sequoia (2023).

Sa unang auction, nakalikom ang BOC ng P38,211,710 mula sa mga naibentang sasakyan, at ang kita ay mapupunta sa BOC forfeiture fund, na babalik sa Treasury kapag hindi nagamit. Kasalukuyan rin nilang iniimbestigahan ang umano’y importer ng luxury vehicles. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here