Home NATIONWIDE ‘Drastic and radical steps’ kailangan sa pagtugon sa krisis sa edukasyon –...

‘Drastic and radical steps’ kailangan sa pagtugon sa krisis sa edukasyon – Cayetano

3
0

MANILA, Philippines -Iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, Oktubre 7, na kailangan ng “drastic and radical steps” para matugunan ang mga problema sa sistema ng edukasyon dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng mga batang Pilipino.

“We’re talking about our children’s future, our country’s future. So we have to do something drastic and radical,” wika ni Cayetano sa kanyang Facebook Live nitong October 6, 2026.

Ginawa ni Cayetano ang panawagan kasabay ng paggunita sa International Teachers’ Day. Aniya, hindi dapat nauuwi sa simpleng pagbati at pagkilala lamang ang pagpapahalaga sa mga guro.

Sa halip, dapat itong mauwi sa konkretong pagbabago sa sistema ng edukasyon, kabilang ang pagtugon sa kakulangan sa mga silid-aralan at iba pang resources na kailangan para maipatupad nang maayos ang K to 12 program, lalo na sa mga pampublikong paaralan.

“When we passed that law, pinangako na it will always be fully funded, but it was really never fully funded,” wika niya.

Itinuro rin ni Cayetano ang malaking agwat sa pagitan ng disenyo ng K to 12 program at ng aktwal na oras na naiuukol ng maraming estudyante sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng mga pasilidad sa paaralan.

“To the rest of the world, K to 12 tayo. But in reality, double, triple shift po y’ung marami nating estudyante. In highly urbanized areas, ang dami ng kulang sa schools at pagkatapos, ang mangyayari pa, half day ka lang,” sabi ni Cayetano.

Ayon sa senador, dapat pagsikapan ng pamahalaan na maibalik ang full-day classes habang pinananatili sa manageable level ang bilang ng mga estudyante sa bawat classroom.

Sa ganitong paraan, mas magkakaroon ng oras ang mga guro para tutukan ang kanilang mga estudyante, maghanda ng mga aralin at makapaglaan din ng panahon para sa kanilang pamilya.

Binanggit ni Cayetano ang mga programa sa Taguig City na nagbibigay ng financial assistance sa mga estudyanteng pinipiling manatili sa private schools, gayundin ang mga programa para sa feeding at digital learning.

Gayunman, sinabi niyang kung hindi sapat ang resources ng gobyerno para lubusang maipatupad ang kasalukuyang K to 12 program, dapat ding maging bukas ang pamahalaan sa muling pagtingin sa sistema.

“Dapat iatras natin, K to 11 or K to 10 muna habang we don’t have the resources,” wika niya.

Para kay Cayetano, ang tunay na pagkilala sa mga guro ay nangangahulugang pagbibigay sa kanila ng sapat na suporta at resources para magampanan nila nang maayos ang kanilang tungkulin.

“Ang daming napakagaling na tao na sobra ang contribution sa ating buong educational system. One day [of honoring them] is not enough. One week is not enough,” sabi ng senador. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here