Home SPORTS Painters solo lead sa PBA Cup

Painters solo lead sa PBA Cup

277
0

PINANGUNAHAN ni Andre Caracut ang isang kritikal na run sa huling kwarter upang dalhin ang Rain or Shine sa mahalagang 90-84 na panalo kontra Converge sa PBA Philippine Cup.

Sa tagumpay na ito, nakuha ng Elasto Painters ang solong liderato ng torneo.

Umiskor si Caracut ng limang puntos sa gitna ng 7-0 blitz na nagbago sa 74-75 deficit tungo sa 81-75 advantage, na hindi na nila binitiwan hanggang dulo.

Nadismaya naman ang Converge dahil sa pagkawala ni Justin Arana na may iniindang ankle injury. Bunsod nito, bumagsak ang FiberXers sa 6-3 record at napunta sa three-way tie kasama ang NLEX at Magnolia.

Inamin ni coach Yeng Guiao na malaking bagay ang pagkawala ni Arana na siyang second-leading scorer ng Converge. Nangyari ang injury nito sa laro kontra Magnolia kung saan nagtamo ito ng right ankle sprain.

Nanguna si Leonard Santillan para sa Rain or Shine sa kanyang 16 puntos at siyam na rebounds. GP/JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here