Home SPORTS Olympian, PBA pioneer na si Jimmy Mariano pumanaw na

Olympian, PBA pioneer na si Jimmy Mariano pumanaw na

260
0

PUMANAW na ang dating Olympian, PBA pioneer, at champion coach na si Jimmy Mariano nitong Linggo matapos ang matagal na pakikipaglaban sa sakit.

Siya ay 84 taong gulang.

Kilala si Mariano bilang isang deadly lefty shooter at isa sa mga unang big men na mahusay tumira mula sa malayo.

Siya ang nagdala ng bandila ng Pilipinas sa 1972 Munich Olympics, ang huling pagkakataon na nakalaro ang men’s basketball team sa Summer Games.

Naglabas agad ng pagpupugay si Ramon Fernandez, four-time PBA MVP at dating teammate ni Mariano, at tinawag itong isa sa tunay na haligi ng laro.

Pinapurihan din siya ng PBA sa pamamagitan ng final buzzer tribute sa laban ng Rain or Shine at Converge.

Galing si Mariano sa University of the East sa ilalim ni Virgilio “Baby” Dalupan at naging team captain ng 1973 national team na nagkampeon sa ABC Men’s Championship, ang huling all-Filipino squad na naghari sa Asya.

Pagkatapos ng kanyang amateur career, naging bahagi siya ng mga unang koponan sa PBA tulad ng Carrier, Seven-Up, at Filmanbank.

Hindi matatawaran ang naging kontribusyon niya sa paghubog ng professional basketball sa bansa.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here