Home NATIONWIDE 8 lugar nasa danger level ng heat index sa Miyerkules – PAGASA

8 lugar nasa danger level ng heat index sa Miyerkules – PAGASA

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng umabot sa 44 degrees Celsius ang heat index sa Zamboanga City sa Miyerkules, Nobyembre 18, habang pito pang lugar sa bansa ang inaasahang makapagtala ng 42°C hanggang 43°C, ayon sa PAGASA.

Kabilang sa mga lugar na inaasahang makararanas ng 43°C ang Coron, Puerto Princesa City at Cuyo sa Palawan, gayundin ang Borongan sa Eastern Samar.

Samantala, posibleng umabot sa 42°C ang heat index sa Aborlan, Palawan; Guiuan, Eastern Samar; at Cotabato City, Maguindanao del Norte.

Itinuturing ng PAGASA na nasa danger level ang heat index na nasa pagitan ng 42°C at 51°C. Nasa extreme caution naman ang 33°C hanggang 41°C.

Sa CALABARZON, inaasahang aabot sa 40°C ang heat index sa Sangley Point, Cavite City, habang 38°C naman sa Ambulong, Tanauan, Batangas.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang mga taong matagal na malalantad sa ganitong kondisyon, habang posible ring mauwi sa heat stroke ang patuloy na exposure.

Pinayuhan ang publiko na limitahan ang mga gawaing panlabas, uminom ng sapat na tubig at gumamit ng sombrero o payong upang mabawasan ang direktang pagkabilad sa araw. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here