Home OPINION ASEAN SUMMITS, ALL TALKS ONLY

ASEAN SUMMITS, ALL TALKS ONLY

2
0


MGA negosyante ang karamihang nagkokomento ukol sa ginaganap na Association of Southeast Asian Nations Summits sa Metro Manila at Cebu.

Duda ang higit na nakararaming negosyante kung magbubunga nang maganda ang summit o miting sa ekonomiya ng Pilipinas sa malapit na hinaharap o hanggang 2028.

All talks only, sabi nila.

Kaya dapat umano nilang ipagpatuloy ang kanilang pagnenegosyo para kumita o isalba ang pupwedeng isalba mula sa mga pagkalugi.

Dahil marupok o mahina ngayon ang pagnenegosyo.

Apektado lahat umano ang mga negosyo, hindi lang ang malalaki kundi maliliit, media, pabrika na producer at maging sa agrikultura.

Dahil dito, dumarami ang nawawalan ng trabah o istambay at maging ang mga naghahanap ng trabaho at pagkakitaan dahil hindi sapat ang iisa lamang para mabuhay ang pamilya.

Hindi rin makaahon-ahon ang malalaking negosyante sa laki ng gastos nila sa operasyon at produksyon sa napakamahal nang mga produktong petrolyo, kuryente at pangingikil ng mga taga-gobyerno.

Sa agrikultura, inaasahang magkandaloko-loko ang produksyon sa pagkain sa ilalim ng super El Nino na nagsimula na at dahil sa pagkalugi ng mga magsasaka, kasama ang mga mangingisda, mababawasan din ng malaki ang kanilang kakayahang bumili ng produkto ng mga pabrika at mga kapwa nila magsasaka at small and medium enterprises.

Dito makikita kung gaano kalugmok ang ekonomiya ngayon na mismong ang gobyerno ang naghahayag nito sa pamamagitan ng Philippine Statistics Authority.

Sinasabi ng PSA, lumago lang ang P28 trilyong Gross Domestic Product o kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang taon sa 2.1% o kulang sa P600 bilyon, kumpara sa P1.5 trilyon nitong nakaraang taon.

P23B GINASTOS SA SUMMIT

Hindi masama ang gumastos ng nararapat para sa matagumpay ang katulad ng ASEAN Summits at aprub tayo riyan.

Para sa ginaganap ngayon sa Metro Manila at Cebu, naglaan ang gobyernong Marcos ng nasa P23 bilyon.

Napakalaki ito kumpara sa panahon ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo na P1B at ni ex-President Digong Duterte na P3.7B.

May nagtatanong: Kasama ba sa gastusin ang pagtatakip sa mga iskwater at iba pang mga urban poor ng mga pinturadong plywood at iba pa?

Kasama ba ang pagkukulong sa mga raliyesta na hindi armado ngunit maiingay lang sa mga lansangan?

Kasama bang pinopondohan ang pagsupil sa mga panawagan na “Marcos Resign?”

GUSTONG MAGTAGUMPAY

Gusto nating magtagumpay ang mga ganitong pagkakataon na posible ngang magbunga ng maganda para sa ating bayan.

Sa rami ba naman ng mga pinagpipirmahang mga kasunduan para sa ekonomiya, seguridad, syensia, artificial intelligence, pagtutulungan at pagkakaunawaan na kasama ang Pilipinas nating mahal.

Kaya lang, saan naman tayo pupunta kung mismong ang mga aktuwal na lumalahok sa produksyon ng mga kalakal at serbisyo sa bansa ay nakikitang walang pag-asa sa madaling hinaharap na bunga ng summit?

At higit pa, mayroon o walang summit, silang nagpapatakbo ng mga negosyo, pabrika, agrikultura, pananalapi at iba pa ang nakakikita kung saan patungo ang Pilipinas batay sa aktuwal na mga pangyayari na kanilang kinapapalooban.

Ang maraming politiko o lider ng bansa, iba ang kanilang ikinabubuhay at walang iba kundi ang manlinas at magmaleta ng pondong bayan na galing sa buwis ng mga negosyante at mamamayan.

Kanino ba kakapit ang mga mamamayan patungo sa kung saan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here