Home NATIONWIDE DOJ, bukas pa rin sa ‘tell-all’ ng mag-asawang Discaya

DOJ, bukas pa rin sa ‘tell-all’ ng mag-asawang Discaya

292
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez sa isang pahayag na bukas pa rin ang kagawaran sa ‘tell-all’ o paglalahad ng lahat katotohanan ng mag-asawang sina Curlee at sarah Discaya kaugnay sa flood control projects.

Ayon pa kay Atty. Martinez, kung may ibibigay ang mga Discaya o kahit sinong aplikante for state witness ng impormasyon na makakatulong sa imbestigasyon ay bukas pa rin ang kagawaran.

Sa ngayon aniya ay wala nang aktibong pakikipag-ugnayan ang mga Discaya sa kagawaran.

Sinabi ni Atty. Martinez na mananatiling status quo at maninindigan sa kanilang patakaran hanggat hindi sila nagsasabing handa na para mag tell all.

Paliwanag pa niya, magpapataw sila ng kondisyon bago mapagbigayn ng imunity ang isang tao.

Aniya, layunin nilang ilantad ang buong katotohanan sa flood control anomaly.

Noong Oktubre, sinabi ng mag-asawang Discaya na hindi na sila makikilahok sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure at tumigil na rin sa pakikipagtulungan sa DOJ. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here