Home METRO 3 dayuhan, timbog sa tobats sa P’que

3 dayuhan, timbog sa tobats sa P’que

314
0

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong dayuhan sa Parañaque City dahil sa paglabag sa batas ukol sa droga sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Southern Police District (SPD) Drug Enforcement Unit (DEU) katuwang ang Parañaque City Police Substation 1.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Hoon, 46, at Jaypo, 34, parehong Koreano, at Raptor, 31, isang Indonesian. Nahuli sila bandang 1:43 ng umaga sa loob ng Room 3310, SBM Condotel, Barangay Baclaran.

Nakuha sa kanila ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 at 20 piraso ng ecstasy na nagkakahalaga ng P34,000.

Si Hoon ay kakasuhan para sa ilegal na pagbebenta ng droga, habang sina Jaypo at Raptor ay kakasuhan para sa ilegal na pagmamay-ari ng droga ayon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Kasalukuyan silang nakapiit sa SPD-DEU custodial facility habang hinihintay ang pormal na pagsampa ng kaso.

“Ang operasyong ito, na nagresulta sa pagkakahuli ng tatlong foreign high-value individuals, ay isang matinding dagok sa mga international drug-trafficking networks sa Metro Manila.

Ang pagkumpiska ng 100 gramo ng shabu at 20 tablet ng ecstasy ay nagpapatunay sa pagbabantay ng SPD para panatilihing ligtas ang ating distrito,” ayon kay SPD Director Brig. Gen. Randy Arceo. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here