Home NATIONWIDE Bacolod nagdaos ng ikalawang Flood Mitigation Summit

Bacolod nagdaos ng ikalawang Flood Mitigation Summit

343
0

Bacolod City – Para matiyak na “future ready” ang Bacolod sa harap ng malalang pagbaha na nararanasan sa buong bansa dulot ng climate change, isang Flood Mitigation Summit ang isinagawa ng lungsod upang makabalangkas ng Flood Mitigation Masterplan na isusumite sa national government.

Ayon kay Bacolod Rep. Albee Benitez, mahalaga ang pagdaraos ng summit na kasama ang lahat ng concerned agencies upang matukoy ang problema at maibigay ang tamang solusyon.

“Flooding is a problem that faces many of our kababayan, and we hope this summit can offer a blueprint for the rest of the country. We want to show that when a city’s people work together for a common purpose, we can rise above any challenge. Flooding may be a tragic reality of our history and our present—but we should refuse to make it an accepted reality in our future,” pahayag ni Benitez.

Ang unang summit ay idinaos noong Oktubre 20 at sa pagtatapos ng ikalawang summit ay bubuo na ng Technical Working Group (TWG) na siyang babalangkas ng masterplan.

“The master plan will be the whole city’s blueprint in solving our long fight with flooding,” dagdag pa niya.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Benitez na hindi iisang ahensya lamang ang dapat humawak ng flood control initiatives, kundi buong komunidad, upang masiguro na hindi tapal ang solusyon kundi tuluyang matugunan ang problema.

“There is no single project, no single agency, and no single individual who can solve flooding. It takes engineering. It takes science. It takes planning. It takes enforcement. It takes citizen discipline. It takes leadership. It takes everyone,” ani Benitez.

Ayon kay Benitez, ang gagawing aksyon ay short-, medium-, at long-term interventions, kasama dito ang pagsasaayos sa mga waterways, informal settlements, waste management, drainage systems, paglalagay ng catch basin, pagpapalawak ng river channels, modern drainage, at paghahanda sa epekto ng climate change.

“Unless we change the way we plan, we will keep repeating the same problems every rainy season. Flooding may be our problem today. It may have been a crisis yesterday. But it will not be the story of our future,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ni Bacolod Mayor Greg Gasataya na noong 2017 pa ang Flood Masterplan na ginawa ng national government para sa Bacolod City at marami rito ang hindi na applicable sa kasalukuyang sitwasyon. Kaya naman mahalagang oportunidad ang isinagawang summit upang makabuo ng mga modernong hakbang para tugunan ang lumalalang problema sa baha.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here