Home NATIONWIDE P1.8M iligal na mantika, nasamsam sa OrMin

P1.8M iligal na mantika, nasamsam sa OrMin

352
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng awtoridad ang illegal na cooking oil na nagkakahalaga ng higit P1.8 milyon sa Barangay Sta. Rita, Pinamalayan, Oriental Mindoro, ayon sa Philippine National Police.

Naaresto ang isang lalaking empleyado ng pribadong kumpanya noong Disyembre 4 dahil sa pagbebenta ng unregistered cooking oil, na labag sa Food and Drug Administration Act of 2009.

Nakuha ng pulisya ang 43 package na naglalaman ng 2,615 bote ng unregistered cooking oil.

Hinikayat ng PNP ang publiko na i-report sa awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad kaugnay ng pekeng o illegal na produkto. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here