Home METRO Suspek sa pagpatay sa magkapatid sa CamSur, natagpuang bangkay

Suspek sa pagpatay sa magkapatid sa CamSur, natagpuang bangkay

308
0

MANILA, Philippines – Dalawang araw matapos matagpuang patay ang magkapatid na sina Clodette Jean at Khiela Mae Divinagracia sa magkahiwalay na lugar Naga City, natagpuan namang patay ang suspek at live-in partner malapit sa dalampasigan sa Cabusao, Camarines Sur.

Kinumpirma ng awtoridad ang kanyang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng damit, singsing, at pustiso, na isasailalim pa sa DNA testing.

Makikita sa CCTV footage mula sa crime scene na dumating sina Clodette at Hufancia sakay ng tricycle bago marinig ang sigaw.

Natagpuan si Clodette na patay kinabukasan, habang ang nakababatang si Khiela ay tadtad ng saksak sa kanilang boarding house.

Ayon sa pulisya, inuwi muna ni Hufancia ang kanilang dalawang anak sa magulang bago bumalik upang patayin ang magkapatid.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kasalukuyang nag-aalaga sa mga bata, at nakatakdang ilibing ang magkapatid sa Cotmo, San Fernando, Camarines Sur sa Biyernes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here