Home METRO Bumugbog, kumitil sa ‘Bully’ kinasuhan

Bumugbog, kumitil sa ‘Bully’ kinasuhan

313
0

MANILA, Philippines – Katarungan ang sigaw para kay Axel, isang American Bully na binugbog hanggang mapatay ng isang lalaki sa Barangay Saclit, Sandanga, Mountain Province.

Makikita sa isang viral video ang suspek na ilang beses pinukpok ang aso gamit ang kahoy matapos umano itong umihi sa kanya.

Binatikos naman ni Sandanga Mayor Robert Wanawan ang insidente, ngunit binanggit niya na may ilang residente na naniniwala na ang pag-ihi ng aso sa tao ay malas o may dalang kamatayan.

Nagsampa na ng kaso na animal cruelty laban sa suspek, at nanawagan ang Animal Kingdom Foundation ng agarang aksyon.

Inatasan ng alkalde ang Sangguniang Bayan na gumawa ng resolusyon para tugunan ang ganitong insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here