MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kailangang magkasa ng imbestigahan upang malaman kung may mga puno na pinuputol at lupa na pinapantay para sa solar power project sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City.
Binanggit ng DENR na ang maling pag-level ng lupa ay maaaring magdulot ng soil erosion at water runoff, kaya’t nag-aalala ang mga residente sa posibleng pagbaha at landslide.
Ayon sa ahensya, may threshold ang mga solar project batay sa kapasidad ng kuryente, at kung lalampas dito, kinakailangan ang environmental impact study.
Hinimok ang mga residente na makilahok sa public hearings at konsultasyon upang maiparating ang kanilang mga hinaing. Santi Celario