MANILA, Philippines – Pinapabilis ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang National Flood Master Plan bilang bahagi ng mas malawak na water security strategy ng bansa.
Ayon kay Environment Secretary Raphael Lotilla, ang planong natapos noong Agosto ay pinagsasama ang nature-based solutions at imprastruktura, at pinalalakas ang koordinasyon ng mga ahensya upang umayon sa river basin at multi-purpose water strategies.
Binigyang-diin ni Lotilla na ang flood mitigation ay dapat magsimula sa headwaters gaya ng kagubatan, wetlands, at watersheds.
Layunin din ng plano na makapag-imbak ng tubig para sa irigasyon, inuming tubig, aquaculture, hydro-power, at turismo, kasama ang pagtataguyod ng multipurpose upstream dams para sa flood control at paggamit ng tubig sa tagtuyot.
Pinapalakas rin ng DENR ang patakaran sa dredging at quarrying, pinalalawak ang clean water programs sa underserved communities, at nakikipag-ugnayan sa mga LGU, DPWH, at NIA upang matiyak ang pagkakaugnay-ugnay ng flood management at water resources planning sa buong bansa. Santi Celario