Home NATIONWIDE Departure tax ng Japan planong itaas sa 3,000 yen

Departure tax ng Japan planong itaas sa 3,000 yen

379
0

JAPAN – Ikinokonsidera ng Japanese government at ruling parties ang pagtataas ng departure tax mula sa kasalukuyang 1,000 yen kada tao ay gagawing 3,000 yen simula sa fiscal 2026.

Ang karagdagang kita ay gagamitin para pondohan ang mga hakbang patungkol sa mga isyu kaugnay sa overtourism, katulad ng siksikan at kaguluhan sa mga tourist spot.

Inaasahang isasama sa 2026 fiscal tax system reform package ang pagbabagong ito.

Ang departure tax, na dati ay tinatawag na international tourist tax, ay ipinakilala noong 2019 na kinokolekta sa presyo ng airline tickets.

Matatandaan na ikinonsidera rin ng pamahalaan ang pagtataas ng levy sa 5,000 yen para sa business-class passengers ngunit binawi ang plano dahil sa administrative burden na maipapatupad nito sa mga airline.

Para sa fiscal 2024, ang tax revenues mula sa departure tax ay umabot sa record high na 52.5 billion yen, dahil sa pagtaas ng mga dayuhang turista sa Japan.

Ang pondo ay ginamit para mapabuti ang kapaligiran sa pagtanggap ng inbound visitors, at iba pa.

Samantala, ikinokonsidera naman ng pamahalaan ang pagpapababa sa passport issuance fees para naman sa Japanese citizens na bumibiyahe abroad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here