Home NATIONWIDE PBBM umaasa, structural reforms ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon

PBBM umaasa, structural reforms ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon

351
0

MANILA, Philippines – UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itutuloy ng susunod na administrayson ang kanyang sinimulang ‘structural reforms’.

Sa isang episode ng BBM Podcast na inere, araw ng Huwebes, Disyembre 11, nagpahayag ng pag-asa si Pangulong Marcos na i-institutionalize ang kanyang reporma para sa kapakinabangan ng publiko.

“My hope and the reason the structural change is important is because kahit wala na ako rito, sana ‘yung mga pagbabagong nasimulan namin o na tumatakbo na, magtuloy-tuloy na para hindi na matanggal,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Do it (structural change) in such a way that it will continue, it will even get better, especially if we choose our presidents well,” aniya pa rin.

Binigyang diin pa ng Pangulo na ang kasalukuyang situwasyon ay “is a different, different world” at ang mga kasalukuyang lider ay hindi ginagawa ang mga bagay sa kahalintulad na paraan gaya ng ginawa ng mga nagdaang lider, gaya noong 1970s o 1980s.

Inamin ng Pangulo na naglalaan siya ng ilang oras sa bawat araw para sa brainstorming kasama ang kanyang mga advisers, ginagalugad ang out-of-the-box ideas para magsilbi sa publiko sa mas mabuting paraan.

“Every day, we spend hours with my advisers thinking, think out of the box. Stop thinking the same old way. It doesn’t work anymore,” ang sinabi ng Pangulo.

At nang tanungin ang Pangulo kung may nagawa na siyang iba mula sa desisyon ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sinabi ng batang Marcos na marami siyang aral na natutunan mula sa kanyang ama na ina-apply niya ngayon sa kanyang trabaho.

Binigyang diin pa niya na kailangan niyang gumawa ng pagsasakripisyo para sa kanyang tungkulin.

“I think the basic thing that I learned from my father is don’t stop. If you believe in something that you are doing for the country, for your people, do not stop,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“You will have to sacrifice. Ganyan talaga ang trabaho. You will have to sacrifice. Masasaktan ka. You will have to make sacrifices, but don’t stop. You will fail. You have to stand up again. Don’t stop,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here