Home HOME BANNER STORY Inklusibong edukasyon sa 2026 budget prayoridad ng DepEd

Inklusibong edukasyon sa 2026 budget prayoridad ng DepEd

312
0

MANILA, Philippines – Pinapaboran ng Department of Education (DepEd) ang mas istratehikong 2026 budget para suportahan ang Inclusive Education programs, na nakatuon sa mga mag-aaral na may kapansanan, katutubo, at kabataang nasa panganib.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, isa sa pangunahing layunin ng DepEd at ng Pangulong Marcos ay tiyakin na lahat ay may pantay na oportunidad sa edukasyon.

Para sa 2026, ang Special Needs Education (SNED) ay makakatanggap ng P1.04 bilyon, ang Alternative Learning System (ALS) ay P897 milyon, ang Madrasah Education Program ay P521.62 milyon para sa 194,355 na Muslim learners, at ang Indigenous Peoples Education (IPEd) ay P154 milyon para sa 482,329 na katutubong mag-aaral.

Patuloy din ang DepEd sa pagtutok sa ALS, na nagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa edukasyon. Sa pakikipagtulungan sa UNICEF, humigit-kumulang 400 ALS learners ang nakatapos ng Micro-Certification Program, na nagbubukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho at kabuhayan.

Bukod dito, nakipag-partner ang DepEd sa Special Olympics Pilipinas para isulong ang inklusyon ng mga indibidwal na may intellectual disabilities sa pamamagitan ng sports programs. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here