Home NATIONWIDE CBCP-ECID, sumuporta sa bagong pamunuan ng BARMM

CBCP-ECID, sumuporta sa bagong pamunuan ng BARMM

3
0

COTABATO CITY, Philippines – Nagpahayag ng suporta at pakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Interreligious Dialogue (CBCP-ECID) sa bagong halal na pamahalaan ng Bangsamoro matapos mahalal si Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua bilang kauna-unahang Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP-ECID, patuloy na makikiisa ang Simbahan sa mga kapatid na Muslim, katutubo at iba pang komunidad sa rehiyon para sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

Nakakuha si Macacua ng 51 boto mula sa 79 miyembro ng Parlamento noong Oktubre 30, sa unang regular session ng Bangsamoro Parliament.

Mahalaga ang halalan dahil pormal nitong tinatapos ang pitong taong pamumuno ng Bangsamoro Transition Authority at sinisimulan ang regular na pamahalaan, alinsunod sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Pinuri rin ng CBCP-ECID ang mapayapa at maayos na paglilipat ng pamamahala. Hinimok nito ang bagong liderato na isulong ang kapakanan ng lahat ng sektor at pairalin ang diyalogo at pagkakaisa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here