MANILA, Philippines – Nagpakita ng pagkalito si Sen Imee Marcos sa BCC hearings nang hindi makita ang DPWH budget sa briefer at iba pang dokumento na ibinigay sa mga mambabatas.
Aniya, kung tunay na hangad ang transparency, dapat naroon ang budget ng Public Works dahil ito ang sentro ng publikong kawalang tiwala.
Ipinaliwanag ni Sen. Sherwin Gatchalian na nakatakda ang pagtalakay sa DPWH sa susunod na araw, pati na rin ang mga special purpose funds at unprogrammed appropriations.
Pinuna ni Marcos na sana ay naibigay nang mas maaga ang dokumento dahil higit 1,500 pahina ito, at mahirap makapagkumpara ng iba’t ibang ahensya kung may kulang.
Tiniyak ni Gatchalian na maipapamahagi ang DPWH budget sa lahat ng conferees bago ang pagtalakay nito. RNT/MND