Home METRO 2 ‘motornapper’ timbog sa trike ng tanod sa Bustos

2 ‘motornapper’ timbog sa trike ng tanod sa Bustos

281
0

BULACAN, Philippines – Huli sa mga pulis ang dalawang indibiduwal na umano’y tumangay ng nakaparadang tricycle ng tanod sa bayan ng Bustos, hapon ng Disyembre 13.

Sa ulat ni PCPT Heherson Zambale, Officer-in-Charge ng Bustos police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jeff”, 30, mekaniko residente ng Brgy. Santo Cristo at alyas “Shaw”, 18, construction worker ng Poblacion, Baliwag.

Ayon sa imbestigasyon, ipinarada saglit ng Brgy. Tanod ang kanyang Honda TMX motorcycle na may stainless sidecar sa harap ng kanyang bahay nang biglang mawala.

Agad ipinagbigay alam ng tanod sa pamamagitan ng radyo na  konektado sa lahat ng barangay sa nasabing bayan, at gayundin sa mga pulis kasabay ang pagbibigay ng detalye hinggil sa nawawalang tricycle.

Sa kasagsagan ng pagpapatrulya ng mga pulis ay namataan ang nasabing tricycle sa Brgy. Poblacion kaya agad hinarang at nang maberipika ay hinuli ang mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nasa Custodial Facilty ng istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here