Home METRO Pintor, 6 pang durugista timbog sa Bulacan drug war

Pintor, 6 pang durugista timbog sa Bulacan drug war

277
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang 44 anyos na pintor nang mahulihan ng P68,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), umaga ng Disyembre 13.

Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, kinilala ang suspek na pintor na si alyas “Alex”, residente ng Brgy. San Martin 3.

Ayon sa ulat, nabilhan ang target ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ng poseur buyer kapalit ang buy-bust money kaya agad itong inaresto ng mga pulis sa lugar.

Narekober sa suspek ang buy-bust money at  dalawa pang plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa 10 gramo at may halagang humigit-kumulang P68,000.

Samantala, huli rin kinabukasan ang anim pang tulak sa magkakahiwalay na kampanya kontra iligal na droga ng Plaridel, Balagtas at Bustos police station.

Tinatayang aabot sa 12.1 gramo at may kabuuang halagang P82,280 kasama ang buy-bust money ang nasamsam ng pulisya sa nasabing mga operasyon.

Nahaharap ang lahat ng suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga istasyong humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here