Home LIFESTYLE HEALTH DOH: Usapan sa safe sex, HIV testing, paigtingin

DOH: Usapan sa safe sex, HIV testing, paigtingin

502
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) ang normalisasyon ng pagtalakay sa safe sex at Human Immunodeficiency Virus (HIV) testing, na nagbabala na ang stigma at katahimikan ay nagpapatuloy ng tahimik na epidemya sa bansa.

Kasabay ng pagdiriwang ng World AIDS Day Community Event, sinabi ni DOH Health Promotion Bureau (HPB) Director Tina Marasigan na hindi magiging ligats sa HIV hanggat hindi maging komportable ang mga tao na pag-usapan ang tungkol sa safe sex.

Hinikayat ni Marasigan ang mga guro, guidance counselor at health officials na magbigay ng ligtas na espayso para sa mga kabataan upang pag-usapan ang sex at HIV.

Ayon sa mga pag-aaral, 61 katao ang nahahawa ng HIV araw-araw sa Pilipinas kaya’t hinihikayat ni Marasigan ang lahat na magtulungan upang alisin ang stigma sa pag-uusap tungkol sa sex at HIV.

Aniya, gawing normal ang pag-uusap tungkol sa sex at HIV at huwag mahiya na magtanong dahil ito ang susi sa pag-iwas sa sakit.

Ayon sa datis ng DOH, may 217,700 katao na may HIV sa bansa . Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here