MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine National Police Academy (PNPA), 1,627 sa 21,179 na examinee, o 7.68 porsyento, ang pumasa sa Philippine National Police Academy Cadet Admission Test (PNPA-CAT).
Ipinahayag ng PNPA sa kanilang advisory na inilabas ang resulta higit isang buwan matapos isagawa ang pagsusulit noong Nobyembre 8 at 9 sa 27 testing centers sa buong bansa.
Sa kabuuang 21,179 aplikante, 18,153 ang rehistrado at kwalipikado, habang 3,026 naman ang walk-in examinees.
Ayon sa PNPA, ang mga pumasa ay magpapatuloy sa susunod na yugto ng admission process na kinabibilangan ng medical examinations, background check, interviews, at oath-taking ceremony.
Karaniwan, tinatanggap ng PNPA ang humigit-kumulang 350 cadets kada taon. RNT/MND