CORDILLERA, Philippines – Mas mataas na sahod ang aasahan ng minimum wage earners sa private sector at kasambahays sa Cordillera Administrative Region (CAR) simula Disyembre 30, 2025.
Ayon sa Wage Order No. CAR-24, ang daily minimum wage sa private sector ay tumaas sa P505 mula sa dating P470, o dagdag na P35.
Saklaw ito sa lahat ng manggagawa sa private sector, anuman ang posisyon o status.
Samantala, ayon sa Wage Order No. CAR-DW-07, ang buwanang sahod ng kasambahays ay tumaas sa P6,600 mula sa dating P6,000, o dagdag na P600.
Ang huling wage increase sa CAR ay noong Disyembre 2024, nang itaas mula P430 hanggang P470 ang daily minimum wage ng private sector. RNT/MND