AYUNGON, Negros Oriental – Walo ang patay at lima ang nasugatan sa isang aksidente sa Barangay Tiguib, Sabado ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon, ang sasakyang minamaneho ni Juan Maratas, 56, mula Dumaguete City, ay papunta sa Tiguib Public Cemetery nang pumalya ang preno sa pababang bahagi ng kalsada at tumagilid sa mabatong lugar.
Agad dinala sa Bindoy District Hospital ang mga sugatang pasahero, habang ang mga labi ng mga nasawi—isa lalaki at pitong babae—ay dinala naman sa kanilang pamilya.
Ang mga nasawi ay kinilala bilang sina Edwin Deguit Sr., 63; Zenaida Sabanal, 60; Libby De Jesus y Libradilla, 71; Ernesta Villasco; Anabelle Devero; Elphy Deguit, 46; Chinly Magalso, 42; at Artilana Deguit, 71, ayon kay Police Lt. Stephen Polinar, tagapagsalita ng Negros Oriental Police. RNT/MND