MANILA, Philippines – NAGLUNSAD ng libreng sakay ang Manila Police District (MPD) katuwang ang Manila City Government upang matulungan ang mga komyuter na maaapektuhan ng dalawang araw na transport strike ngayong Nobyembre 23 at 24.
Ayon sa MPD, nakahanda ang kanilang mga tauhan, sa pakikipag-ugnayan sa National Capital Region Police Office (NCRPO), na magbigay ng libreng transportasyon sa mga pasaherong mahihirapang makasakay.
Kabilang sa mga lugar na may libreng sakay ang mga sumusunod:
-Juan Luna Street
-Road 10, Moriones
-Rizal Avenue hanggang Aurora Boulevard
-Pedro Gil Street corner Paz Street, Paco
-San Gregorio Street corner Paz Street, Paco
-P. Burgos Street hanggang Muralla Street
-New Panaderos Street, Punta
-San Andres Street, San Andres Bukid
-Puregold Tayuman hanggang Juan Luna-Solis, Tondo
-Rizal Avenue-Abad Santos hanggang Blumentritt, Tondo
-Malate Police Station area of responsibility
-West Zamora, Pandacan hanggang Robinsons Otis, Paco
-Labores Police Community Precinct area of responsibility
-Binondo area of responsibility
-Baseco, Port Area
-Quezon Boulevard, Quiapo
-Kartilya ng Katipunan/Manila City Hall
Tiniyak ng MPD na nakahanda ang kanilang mga tauhan upang umalalay sa mga pasahero at matiyak ang ligtas at maayos na biyahe sa gitna ng transport strike.
Tatagal hanggang Nobyembre 24 ang libreng sakay. RNT