Home NATIONWIDE Petition for bail ng opisyal ng KOJC, ‘di tinanggap ng CA

Petition for bail ng opisyal ng KOJC, ‘di tinanggap ng CA

259
0

MANILA, Philippines – Hindi tinanggap ng Court of Appeals ang petisyon ng kapwa akusado ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Sa petisyon ni Ingrid Canada na isang opisyal ng KOJC, kinuwestyon niya ang pagtanggi ng Pasig Regional Trial Court sa kanyang petition for bail para sa kasong qualified trafficking.

Batay sa resolusyon noong Nobyembre 28 na pinonente ni Associate Justice Pedro Corales, hindi tinanggap ng CA 10th Division ang petisyon dahil ito ay isinampa nang lampas sa itinakdang panahon.

Oktubre 27, 2025 nang ipadala ni Canada ang kanyang petisyon sa pamamagitan ng private courier pero paliwanag ng korte, dapat personal o sa pamamagitan ng registered mail ang pagsusumite.

Dahil dito, itinuturing ang petisyon na isinampa bilang ordinaryong email lamang at ang opisyal na petsa ng pagsampa ay Oktubre 29, lampas sa 60-araw na itinakda ng batas.

Nabigo rin si Canada na isama ang People of the Philippines bilang respondent, dahilan upang tuluyang tanggihan ang petisyon, ayon sa CA.

Nahaharap sa kasong qualified trafficking si Canada at Quiboloy dahil sa alegasyon na nagrecruit at pang-aabuso umano nila ang mga miyembro ng KOJC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here