Home METRO Unang araw ng Simbang Gabi sa Maynila, mapayapa – MPD

Unang araw ng Simbang Gabi sa Maynila, mapayapa – MPD

305
0

MANILA, Philippines – Naging maayos at mapayapa ang unang araw ng Simbang Gabi sa Maynila bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ayon sa Manila Police District (MPD), wala silang namonitor na anumang krimen o seryosong insidente kaugnay ng mga aktibidad sa mga simbahan at iba pang pampublikong lugar.

Ayon sa MPD, patuloy ang kanilang pagbabantay at police visibility upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, lalo na sa mga lugar na dinadagsa ng mga deboto.

Pagtitiyak ng pamunuan ng MPD, mananatili ang heightened alert at tuloy-tuloy ang monitoring habang papalapit ang mga pangunahing aktibidad ngayong kapaskuhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here