Home TOP STORIES National security threat ni Joseph Sy ‘di napatunayan

National security threat ni Joseph Sy ‘di napatunayan

277
0

MANILA, Philippines – WALANG matibay na ebidensya na nagpapatunay sa banta sa national security kaugnay sa kaso ng mining executive na si Joseph Sy ang pagdinig ng Senate Justice and Human Rights Subcommittee.

Sa kumpirmasyon ng mga opisyal mula sa ilang ahensya ng gobyerno na ang isyu ay may kinalaman sa mga usaping legal at tungkol sa citizenship.

Sa hearing na ginanap noong Lunes, Disyembre 15, sinabi ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na nagsagawa pa rin sila ng imbestigasyon at monitoring dahil sa “potential national security consideration that warrants closed and sustained attention,” bagama’t wala pang matibay na ebidensiyang nakita na may kinalaman sa espionage o iba pang ilegal na gawain.

Nabanggit din na ang mga naunang kasong isinampa laban kay Sy ay naibasura na.

“The issue is not limited to criminal liability but extends to risk monitoring, institutional safeguards and protection of strategic national interest. Joseph Sy has been linked to multiple legal and administrative proceedings over time including a deportation case arising from questions surrounding his citizenship and immigration status,” ani NICA Director Ferlu Silvio.

Samantala, iginiit din ng Philippine Statitics Authority ang isyu sa birth certificate ni Sy.

“Ang kanyang birth certificate ay similar nga po, ay kagaya din po sa kay former Mayor Alice Guo ay late registration case po siya. Yung kanyang birth certificate at that time ay 41 years old na po si Joseph Sy,” ani PSA Assistant National Statistician Marizza Grande.

“Under the rule ng atin pong Act 3753 yung AO number, series of 1993, under the delayed registration, in general, hindi po siya compliant or irregular yung process of delayed registration,” dagdag pa niya.

Tinalakay rin sa pagdinig ang naging papel ni Mr. Sy bilang miyembro ng Coast Guard Auxiliary. Nilinaw ng Philippine Coast Guard na ang kanyang membership, na nagsimula noong Hulyo 26, 2018, ay boluntaryo at pang-sibilyan lamang at nakatuon sa pagtulong sa panahon ng sakuna. Wala rin umanong access ang mga nasabing miyembro sa mga classified o lihim na impormasyon at operasyong may kinalaman sa pambansang seguridad.

Kalaunan umano ay tinanggal si Sy sa talaan ng Coast Guard Auxiliary, kasama ang iba pa, matapos gumulong ang kaso laban sa kanya.

Wala mang nakikitang isyung maglalagay sa panganib ng pambansang seguridad base sa paglilinaw ng mga nasabing ahensiya, patuloy pa rin ang imbestigasyon tungkol sa citizenship ni Mr. Sy.

Sa pahayag na isinumite ni Mr. Sy sa Senado, ipinaliwanag niya ang mga pangyayari kaugnay ng kanyang pagkaka-aresto at ang kasalukuyang estado ng kanyang kaso.

Dahil ang paksa ng imbestigasyon ng Senado ay may kaugnayan sa mga kasong isinampa laban sa kanya sa Bureau of Immigration, iginiit niya ang kanyang karapatan na manahimik sa pagdinig para umano maprotektahan ang kanyang sarili, sa bisa ng Konstitusyon, dahil anumang pahayag ay maaaring magamit sa kasong deportasyon laban sa kanya na hanggang ngayon ay nakabinbin ang mga kaganapan sa pagdinig ay nagpapakita lamang ng kahalagahan ng paggalang sa kakayahan ng mga legal na institusyon na siyasatin ang katotohanan para masigurong ang magiging desisyon ay batay sa tamang proseso at hindi sa haka-haka.

Ayon sa legal team ni Mr. Sy, patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Immigration ang isyu sa kanyang citizenship, sa kabila ng mga naunang desisyon ng korte, at anumang susunod na hakbang ay daraan sa tamang proseso ng batas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here