Home METRO Viral pickup driver at magkakaritong sinapok niya sa Antipolo, nagkaayos na

Viral pickup driver at magkakaritong sinapok niya sa Antipolo, nagkaayos na

305
0

ANTIPOLO — Nagkaharap at nagkaayos na sa himpilan ng pulisya ang pickup truck driver na nahuling binatukan si Crispin Villamor, na nagtutulak ng kariton kasama ang umiiyak niyang anak, ayon sa pulisya.

Nangyari ang insidente Sabado ng gabi sa Barangay San Roque, Antipolo.

Ayon kay Villamor, muntik nang mabangga ng driver ang kanyang anak at tinamaan ang kariton.

“Parang hindi niya ako nakikita. Parang nung bumangga na yung sasakyan niya saka lang siya bumaba,” ani niya.

Ayon kay Police Captain Arnoil Taga, inamin ng driver ang pagkakamali at humingi ng paumanhin. Pumayag si Villamor na tapusin ang usapin nang pribado.

Suspendido ng 90 araw ang lisensiya ng driver ng Land Transportation Office (LTO) habang iniimbestigahan ang insidente. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here