Home METRO 1 patay, 2 sugatan sa araro ng jeep sa Binangonan

1 patay, 2 sugatan sa araro ng jeep sa Binangonan

344
0

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider ng motorsiklo at sugatan ang dalawa pa matapos araruhin ng pampasaherong jeep ang ilang sasakyan sa Binangonan, Rizal, Lunes ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Evangeline Santos, nangyari ang aksidente bandang alas-6 ng umaga sa kahabaan ng Manila East Road, Barangay Tagpos.

Dead on arrival sa ospital ang driver ng isang motorsiklo, habang dinala sa ospital ang isa pang motorsiklo at ang AUV driver dahil sa sugat.

Makikita sa video ang mga pasahero na mabilis na lumabas sa tumaob na jeep, ilan ay dumadaing sa sakit. Naka-kulong ang driver ng jeep at nahaharap sa patong-patong na kaso. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here