Home NATIONWIDE Farm-to-market road projects, mahigpit na pinababantayan ni PBBM

Farm-to-market road projects, mahigpit na pinababantayan ni PBBM

232
0

MANILA, Philippines – Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng mas mahigpit na pangangasiwa at ganap na transparency sa mga proyekto ng farm-to-market road (FMR) upang maiwasan ang mga isyu ng katiwalian noong nakaraan, ayon sa Malacañang.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, binigyang-diin ni Marcos ang pangangailangan ng maayos na pambansang budget at malinis na paggastos sa imprastruktura, at siya mismo ang nag-utos ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control at iba pang proyekto.

“So, ayaw niya pong maulit iyong mga naganap noong nakaraan,” ani Castro.

“Kaya ito po ay nais niya, maging maayos lahat ang transaksiyon, maging bukas sa publiko kaya po nagkakaroon tayo ng transparency portal at iyan din po ang gagawin ng DA,” dagdag pa niya.

Tinalakay rin ni Castro ang mga pangamba na ang paglilipat ng FMR projects mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) patungo sa Department of Agriculture (DA) ay maaaring maglipat lamang ng katiwalian maliban kung may mahigpit na safeguard.

“Ang programa pong ito ay pamumunuan po ng DA at ng LGU, at pati po ang mga bidding po nito ay open po sa publiko para ipakita po nila,” ani Castro.

Kinumpirma rin niya na alam ni Marcos ang apela ni DPWH Secretary Vince Dizon na ibalik ang humigit-kumulang PHP54 bilyong binawas sa budget ng ahensya.

“Hindi po matutupad at mai-implement iyong halos 10,000 projects kapag binawasan pa po nila iyong budget na hinihiling ng DPWH,” ani Castro. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here