Home METRO Pekeng ads na may AI Vico Sotto, ibinabala

Pekeng ads na may AI Vico Sotto, ibinabala

394
0

MANILA, Philippines — Nagbabala si Pasig City Mayor Vico Sotto noong Lunes na ginagamit nang mali ang kanyang larawan sa mga patalastas na gawa ng artificial intelligence (AI).

Sa kanyang post sa Facebook, pinayuhan niya ang publiko na maging “extra careful,” dahil kayang gawin ng AI na mukhang totoo ang mga pekeng ads.

“Let’s be extra careful because sometimes it really looks real, even the sound. There are fake videos of me and others,” ani Sotto.

Binalaan rin niya ang publiko laban sa scam texts, pekeng websites, at iba pang panlilinlang. Binanggit niya ang isang AI-generated online gambling ad na gumagamit sa kanya at isang scam text na nagpakilalang mula sa Land Transportation Office. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here