Home METRO MPD Press Corps, nagsagawa ng Christmas gift-giving sa mga homeless

MPD Press Corps, nagsagawa ng Christmas gift-giving sa mga homeless

265
0
(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng Christmas gift-giving activity ang MPD Press Corps, katuwang ang Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni District Director PBGEN Arnold Abad.

Halos 200 benepisyaryo ang nakinabang, na pawang mga street dwellers, homeless individuals, at mga street sweepers na nasa paligid ng lungsod ng Maynila.

(c) Crismon Heramis

Ilan sa mga ipinamahagi sa Christmas gift packs ay 3 kilong bigas, canned goods, noodles, at mga bundle ng smacks.

Isa sa mga layunin nito ay mabigyan ng simpleng tulong ang mga taong nasa lansangan ngayong kapaskuhan.

Ayon sa pahayag ng MPD Press Corps, ang aktibidad ay bahagi ng taunang tradisyon para maiparamdam ang diwa ng kapaskuhan sa mga taong nakikita o nakakasalamuha sa lansangan.

Isinagawa ang pamamahagi sa tapat ng tanggapan ng MPD Press Corps, katuwang ang Canton Chamber of Commerce. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here