Manila, Philippines – Marling itinanggi ni Cavite 2nd district Representative Lani Mercado na nagsalita siya ng ‘di maganda laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
Kalat na kasi sa social media ang pahayag ng aktres-pulitiko attributed to her.
Ayon daw sa kanya, si PBBM daw ang dapat makulong sa halip na ang asawang dating senador na si Bong Revilla sa isyu ng korapsyon.
Balita kasing ipinaaresto si Revilla.
Sa kanyang Facebook account, tahasang sinabi ni Lani that such statement is bereft of truth.
“Ito ay fake news. Walang ganitong pahayag ang inilabas ng Ate Lani n’yo,” saad niya.
Hinikayat ni Lani ang mga netizens na: “Huwag maniwala. Hindi lahat ng nababasa n’yo sa internet ay totoo!”
Kaasabay nito’y nakikiusap siya na: “Don’t spread fake news. Maging mapanuri. Maraming salamat po!”
Ang naturang usapin ay base sa pahayag ni Ombudsman Crispin Remulla na posibleng dakpin si Revilla sa pagkakasangkot nito sa mga maaanomalyang flood control project.
Kabilang din si dating Ako Bicol party list Rep. Zaldy Co, dating Senator at ngayo’y Makati City Mayor Nancy Binay, Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva.
Sa kaso ni Revilla, inginuso siya mismo ng kanyang kumpare sa DPWH.
Lahat sila’y itinanggi ang naturang paratang. Ronnie Carrasco III