Home NATIONWIDE 4 weather system, magpapaulan sa Pinas

4 weather system, magpapaulan sa Pinas

258
0

MANILA, Philippines – Inaasahang mananaig ang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Miyerkules dahil sa apat na umiiral na weather systems, ayon sa PAGASA.

Wala namang minomonitor na low pressure area para sa posibleng pagbuo ng bagyo hanggang alas-2 ng madaling araw ng Disyembre 17, 2025.

Magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora at Quezon dahil sa shear line, habang ang Bicol Region, Caraga, Northern Samar, Eastern Samar at Southern Leyte ay apektado ng easterlies.

Magdadala naman ang Northeast Monsoon ng maulap na panahon at pag-ulan sa Batanes at ilang lalawigan sa Cordillera.

Inaasahan ding makararanas ng pag-ulan ang Zamboanga Peninsula, Davao Region at ilang bahagi ng Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone.

Samantala, makararanas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang mahinang pag-ulan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here