Home NATIONWIDE Trump, nagpataw ng travel ban vs 7 pang bansa, Palestinians

Trump, nagpataw ng travel ban vs 7 pang bansa, Palestinians

360
0

WASHINGTON — Pinalawak ni US President Donald Trump noong Martes ang travel ban ng Amerika, ipinagbabawal ang pagpasok ng mga mamamayan mula sa pitong bagong bansa—Syria, Burkina Faso, Mali, Niger, Sierra Leone, South Sudan, at Laos—gayundin ang may hawak ng Palestinian Authority passport.

Ayon sa White House, ang ban ay para sa mga dayuhan na “intends to threaten” ang mga Amerikano o “undermine or destabilize its culture, government, institutions or founding principles.”

Ang hakbang ni Trump ay kasunod ng pagpatay sa ilang US troops sa Syria at sa kanyang patuloy na anti-immigrant na pananalita.

Partial travel restrictions naman ang ipinataw rin sa mga mamamayan ng ilang bansa sa Africa tulad ng Nigeria at mga Black-majority Caribbean nations.

Nanatili ang umiiral na bans para sa Afghanistan, Chad, Republic of the Congo, Equatorial Guinea, Eritrea, Haiti, Iran, Libya, Myanmar, Sudan, at Yemen.

Binanggit ng White House ang mataas na krimen at problema sa passport record-keeping sa mga bansadong bansa, habang kinilala ang “significant progress” ng Turkmenistan, kung saan maaari nang makakuha ng US visas ang kanilang mamamayan bilang non-immigrants. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here