Home METRO 3 timbog sa drug den raid sa Bulacan

3 timbog sa drug den raid sa Bulacan

308
0

BULACAN – Kalaboso ang tatlong drug suspek at tuluyang winasak ang isang makeshift drug den sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya kamakalawa ng hapon sa Barangay Minuyan, San Jose Del Monte City.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga naarestong suspek na sina alyas “Samboy,” 35 anyos, na pangunahing target sa operasyon; alyas “Chor,” 52 anyos; at alyas “Cess,” 28 anyos, na pawang mga residente sa naturang lugar.

Nasabat sa mga suspek ang siyam (9) na maliliit na pakete ng suspected shabu na may kabuuang timbang na anim (6) gramo at may tinatayang halaga na higit P40,000, pati na rin ang marked money na ginamit sa buy-bust.

Dinala ang mga suspek sa PDEA Jail facility sa San Fernando City, Pampanga, at sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa mas pinaigting na Batas kontra iligal na droga. Roel Tarayao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here