Home METRO Manila councilor pormal nang naghain ng sexual harassment vs kapwa konsehal

Manila councilor pormal nang naghain ng sexual harassment vs kapwa konsehal

272
0

MANILA, Philippines — Naghain ng kaso si Manila 4th District Councilor Eunice Castro noong Disyembre 16 sa Manila Prosecutor’s Office laban sa kapwa 4th District Councilor Ryan Ponce dahil sa umano’y sexual harassment, kabilang ang paglabag sa RA 11313 o Safe Spaces Act at acts of lasciviousness.

Inihayag ni Castro na paulit-ulit umano ang sexual advances ni Ponce sa kanya, kabilang ang pagtusok sa kanyang palad, pagpapadala ng malaswang text, at lewd na komento tungkol sa kanyang pananamit. Hinikayat niya ang mga kababaihan na magsalita laban sa pang-aabuso:

“Sa mga kapwa ko babae…huwag mangamba, huwag magsarili, huwag mag-isa, huwag magkulong, at huwag matakot. Wala tayong dapat ikahiya. Dapat tayong tumindig laban sa mga taong abusado,” ani Castro.

Humingi ng paumanhin si Ponce matapos ilahad ni Castro ang mga alegasyon. Nagdesisyon ang konseho na suspindihin siya ng 60 araw—ang maximum na parusa sa ilalim ng internal rules—at inayos ang mga komite kung saan dati siyang miyembro.

“Let this serve as a clear signal that this council takes its duties and ethical standards with seriousness and due process,” ani Vice Mayor Chi Atienza. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here