Home NATIONWIDE Suplay ng kuryente sa Pasko, Bagong Taon tiniyak ng NGCP

Suplay ng kuryente sa Pasko, Bagong Taon tiniyak ng NGCP

260
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Miyerkules na inaasahan nilang mananatiling maayos ang suplay ng kuryente sa bansa para sa natitirang bahagi ng Disyembre sa kabila ng holiday season.

“For the rest of the year, wala tayong nakikita na magiging problema sa supply ng kuryente,” ani NGCP spokesperson Cynthia Alabanza, na nagbabala ring maaaring maapektuhan ang suplay ng kuryente ng hindi inaasahang pangyayari tulad ng bagyo o biglaang pagkasira ng planta.

Tinanong tungkol sa posibilidad ng red o yellow alert, sinabi ni Alabanza na mababa ang tsansa.

Dagdag pa niya, masyado pang maaga para magtaya para sa 2026, dahil base lamang ito sa “educated guesses.”

Pinayuhan din ng NGCP ang mga konsyumer na maging responsable sa paggamit ng kuryente. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here