MANILA, Philippines – Naghain ang United People Against Corruption (UPAC) ng civil complaint sa regional trial court laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, dating chairman ng House appropriations panel Zaldy Co, at Quezon City Rep. Patrick Michael “PM” Vargas kaugnay ng patuloy na pagbaha sa Novaliches.
Ayon sa UPAC, may kasong abuse of rights at unjust enrichment, at umaabot sa P944.6 milyon kada taon ang flood control allocations para kay Vargas, o P2.86 bilyon mula 2023 hanggang 2025.
“Ang patuloy na pagbaha sa Novaliches ay hindi aksidente ng kalikasan, ito ay bunga ng kapabayaan at katiwalian. Kung may pondo, dapat may proyekto. Kung may proyekto, dapat may malinaw na resulta. At kung walang resulta, may mananagot,” ani UPAC spokesperson Bishop Kiko Bellaser.