Home NATIONWIDE Eye screening para sa lahat ng Kinder sa Pinas, inilunsad ng DepEd

Eye screening para sa lahat ng Kinder sa Pinas, inilunsad ng DepEd

235
0

MANILA, Philippines – Naglunsad ang Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules ng National Vision Screening Program (NVSP) upang masuri ang paningin ng mga batang kindergarten sa buong bansa.

Layunin ng programa na maagang matukoy at maiwasto ang mga problema sa mata upang mapabuti ang kanilang pagkatuto.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, may-akda ng National Vision Screening Act, tinitiyak ng programa na maagang madedetect ang mga isyu sa paningin bago makaapekto sa edukasyon at nakahanay sa planong pang-edukasyon ni Pangulong Marcos Jr. Sa paglulunsad sa Pasig City, binigyang-diin ni Angara, “Preventive health care should start as early as possible.”

Bahagi ng School Health Program, sinusuri ng NVSP ang mga karaniwang problema sa mata tulad ng malabong paningin, lazy eye, at iba pa, at nagbibigay ng prescription glasses kung kinakailangan.

Suportado ang programa ng PhilHealth, Integrated Philippine Association of Optometrists, at mga lokal na pamahalaan, na layong gawing regular at pangmatagalan ang eye screening sa mga paaralan sa buong bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here