Home TOP STORIES TNVS Community PH nagpasalamat sa LTFRB; pero laban tuloy pa rin

TNVS Community PH nagpasalamat sa LTFRB; pero laban tuloy pa rin

278
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang TNVS Community Philippines sa LTFRB sa pagdinig sa kanilang hinaing matapos na pakinggan ang kanilang tugon sa kanilang posisyon ukol sa surge cut na magpapatupad ang ahensya ng compensatory adjustment sa pick-up fares mula December 20 hanggang January 4.

Gayunpaman, ayon kay TNVS Community Philippines Spokesperson Lisza Redulla hindi dito nagtatapos ang laban.

Pagkatapos aniya ng Kapaskuhan, haharapin pa rin nila ang hamon ng inflation at tumataas na operational costs sa pamamasada.

Iginiit ni Redulla na mananatiling nakatutok ang TCP sa pagsulong ng patas na kita at propesyonal na pamantayan sa industriya.

Aniya bilang isang komunidad ng mga totoong TNVS drivers na bumabagtas sa kalsada upang magserbisyo sa komyuters, ang TCP ay walang tigil sa pakikipag-dayalogo sa mga regulators at TNCs patungkol sa mga polisiya at programa na makakaapekto sa kita – gaya na lamang nitong surge cut.

Dagdag pa ni Spokesperson Redulla, mula pa sa simula, naging aktibo ang TCP sa pagsulong ng kapakanan ng mga drivers kaya’t nakikipag-ugnayan ito sa LTFRB upang mapanatili ang implementasyon ng surge.

Partikular aniya noong nakaraang konsultasyon ng LTFRB nitong Disyembre ukol sa surge cuts, naging matibay ang aniya ang kanilang paninindigan na hindi maaring basta na lamang bawasan ang surge – lalo na sa holiday rush kung saan malala ang traffic na nagpapahaba ang biyahe ng bawat booking.

Isinusulong na aniya noon pa man ng TCP ang pagkakaroon ng compensatory adjustment sa pick-up fares. Ito ay upang mabalanse ang gastusin ng TNVS drivers at hindi sila malugi sa gitna ng pagbawas sa surge cap at makapagpatuloy sila sa pagseserbisyo sa mga komyuters, Ialo na ngayong Kapaskuhan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here