Home NATIONWIDE Malawakang recruitment ng mga engineer, accountant ikakasa ng DPWH sa Enero 2026

Malawakang recruitment ng mga engineer, accountant ikakasa ng DPWH sa Enero 2026

338
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng malawakang pag-recruit ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga paaralan sa buong bansa simula Enero 2026.

Ito ay inihayag ni DPWH Secretary Vince Dizon, kung saan magkakaroon aniya ng mga job fair mismo sa mga eskwelahan.

Ayon kay Dizon, naghahanap ang ahensya ng mga inhinyero at accountant upang sumali sa kanilang pagsisikap na reporma sa DPWH.

Aniya, personal siyang pupunta sa mga eskuwelahan upang kumbinsihin na sumali sa kanilang ahensya.

“Kailangan namin kayo, kailangan namin kayo upang sumali sa amin sa pagsisikap na ito. At pupuntahan namin ang mga paaralan, ako mismo ang pupunta upang kumbinsihin kayo na sumali sa amin dahil kailangan namin kayo, kailangan namin ng bago.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here